CAGAYAN DE ORO CITY – Kakasuhan ng pulisya kaugnay sa paglabag ng Dangerous Drugs Act of 2022 ang itinuring na suspected high value target sa piskalya sa Cagayan de Oro City ngayong araw.
Ito ay matapos naaresto ng Police Regional Office 10’s Regional Drug Enforcement Unit ang naka-court plea bargaining agreement na suspek na si Allan Fernandez, nasa legal na taga-Barangay Bugo sa ikinasa na anti-drug buy bust operation sa Zone 3, Barangay Agusan nitong lungsod kagabi.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni RDEU chief Police Maj Allan Oniana na tatlong beses nang naaresto si Fernandez dahil pa rin sa katulad na akusasyon na nagpupuslit ng ilegal na droga hindi lamang sa syudad subalit maging sa ilang mga bayan ng Misamis Oriental.
Sinabi ni Oniana na nakUmpiska nila mula sa suspek ang nasa higit P2.3 milyon na halaga ng suspected shabu sa kasagsagan ng operasyon kagabi.
Samantala, diretsahan namang inamin ng suspek na nakunan ito ng ilegal na droga subalit iginiit nito na napag-utusan lamang siya.
Bagamat tumanggi si Fernandez na banggitin ang pangalan ng kanyang umano’y source subalit wala na siyang magawa dahil sa pagka-arestong muli sa katulad na ilegal na gawain.