-- Advertisements --

Nakapamahagi ng kabuuang bilang ng P2milyong halaga ng mga family food packs ang Department of Social Welfare And Development (DSWD) sa mga residenteng nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Iniabot ang mga ito sa mga local government units mula sa mga rehiyon ng Region I, II, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, at ilan ding mga naapektuhan sa Visayas.

Ang kabuuang bilang ng mga family food packs ay mula sa ipinamahagi sa mga ikinasang relief operations dahil sa mga Bagyong Kristine, Leon, Ofel, Marce, Nika at Pepito.

Samantala, patuloy naman sa prepositioning ng mga FFP’s ang ahensya sa kabila ng pamamahagi nito ng relief assistance sa mga nasalanta ng bagyo.