BACOLOD CITY – Mananatili sa Formia, Italy si pole vaulter EJ Obiena kahit pa pwede na itong umuwi sa Pilipinas pag wala ng travel restrictions sa mga dadating ng buwan upang ipagpatuloy parin ang pagi-ensayo at paghahanda sa Tokyo Olympics matapos maaprubahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang P2 million budget para sa kanyang training.
Magugunitang matapos ito maka sungkit ng gold medal sa 2019 Southeast Asian Games noong Disyembre ay agad itong bumalik ng Italy para maghanda sa Olympics ngunit hirap ngayon sa kanyang training dulot ng Covid-19 Pandemic.
Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Obiena, walang kasiguradohan kung kailan nga ang kanyang laro pero sa ngayon ay gagawin muna niya ang lahat para sa kanyang training at sisiguradohing matuloy ang kanyang debut sa Tokyo Olympics.
Ayon kay Philippine Track and Field Association (Patafa) president Philip Juico ang supplemental budget ay mapupunta sa accommodations ni Obiena sa Italy.