-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Aabot sa P2 million na halaga ng illegal lumbers ang nakumpiska sa isinagawang Oplan Sagip Gubat Operation ng 43rd Infantry Battalion kasama ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Catarman, Northern Samar.

Sa naturang operasyon, aabot sa 1,690 kahoy na may 27,600 boardfeet ang nasabat ng mga otoridad sa Barangay Happy Valley, San Isidro, Northern Samar.

Ayon kay 1/Lt. Allan Jay Buerano, Civil Military Operations Officer ng 43rd Infantry Battalion, sa ngayon ay may natukoy na silang apat na persons of interests na responsable sa undocumented at illegal lumbers.

Pinaniniwalaan din ng pulisya na posibleng prinoprotektahan ng New People’s Army (NPA) ang mga illegal loggers dahil hindi natatakot sa walang habas na pagputol ng mga kahoy sa kabila ng mas pinahigpit na operasyon laban sa illegal logging.

Sa ngayon, ay nagkaroon na ng meeting ang mga kasundaluhan kasama ang iba pang mga ahensya ng gobyerno para masolusyonan ang talamak na illegal logging sa Northern Samar.

Nabatid na ang talamak na iligal na pagputol ng mga kahoy ang isa sa mga dahilan sa nangyaring grabeng pagbaha sa probinsya noong pananalasa ng Bagyong Usman.