-- Advertisements --

ILOILO CITY – Desidido ang pamilya na ipakulong ang driver ng Mazda MX5 sports car na nakasagasa-patay sa mag-asawang school principal at guro sa Sen. Benigno Aquino Jr. Avenue, Mandurriao, Iloilo City.

Ito ay kasunod nang pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting to double homicide laban kay June Paul Valencia na driver ng sports car.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Elsie Lazo Osano, kapatid ng biktimang si Joe Marie Osano, sinabi nito na desidido ang kanilang pamilya na ipakulong si Valencia.

Ayon kay Osano, makailang beses silang nakatanggap ng offer mula sa pamilya Valencia kapalit ng pag-urong ng kaso.

Inihayag ni Osano na hindi mapapalitan ng P2 million ang buhay ng kanyang kapatid na si Joe Marie at ng bayaw na si Alnie Dinah.

Kahit na mahirap ang buhay, sinabi ni Osano na hindi nila kailangan ang pera at sa halip, hustisya ang nais nilang makamtan.