BAGUIO CITY – Nakabukas pa rin ang opisina ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)-Cordillera para sa mga nais mag-apply ng Special Financial Assistance Program (SFAP) sa rehion.
Nabuo ang programa para matulungan sa pinansiyal ang nga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng travel ban sa mainland China at ang mga special administrative region nito na Macau at Hong Kong sa epekto ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Ayon kay OWWA–Cordillera Programs and Services Division OIC Windelin Marquez, mayroon pa ring nakalaang P1.94 million para sa tulong pinansiyal sa mga OFWs.
Sinabi niya na nakatanggap ang OWWA ng halos 400 aplikasyon para sa programa kung saan, maibabahagi ang P10,000 kada kwalipikadong OFW.
Dagdag pa niya, magtungo lamang sa mga pinakamalapit na tanggapan ng OWWA o DOLE ang mga aplikante para sa pagproseso ng tulong para sa kanila.