-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY- Sasampahan ng kasong paglabag ng Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002) ang dalawang katao na arestado ng joint operations ng Philippine Drugs Enforcement Agency,Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa sentrong bahagi ng Marawi City.

Ito ay matapos ikinasa ni PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao regional director Juvenal Azurin ang anti-drug buy bust operation kasama ang ibang law enforcement agencies laban sa mga suspek na sina Alexander Aliponto ng

Tamparan, Lanao Del Sur at Adam Pandiin na residente sa Marawi City.

Sinabi ni Azurin na sumang-ayon sa kanila si Aliponto na makipag-transaksyon ng shabu sa halaga na P2 milyon kaya ikinasa ang operasyon.

Inihayag ni Azurin na nagkasundo sila at ang mga suspek na dadalhin ang isang kilo ng shabu para sa kanilang transaction sa sentro na bahagi ng Marawi City kahapon.

Tinangka pa sana ng mga suspek na umatras nang namalayan na tropa ng gobyerno ang naka-transaction kaya agad na sila hinuli ng PDEA operatives.

Mahirapan rin sila na makatakas pa dahil nasa paligid lamang nila ang mga sundalo na nagmula sa 103rd Infantry Batallion,Philippine Army at pulisya nakabase sa Marawi City Police Office.

Nakakulong pansamantala ang mga suspek sa mini-cell ng PDEA-BARMM habang isasampa ang pormal na kaso laban sa kanila sa piskalya sa susunod na linggo.