-- Advertisements --
BANAC
PNP Spokesperson

Nasa P2-milyong halaga ng tulong mula sa PNP ang ipinamahagi ni PNP OIC PLt. Gen. Archie Francisco Gamboa sa mga biktima ng lindol sa Makilala, Cotabato.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac, kasalukuyang nag-iikot sa Mindanao si Gamboa para kumustahin ang situasyon ng mga biktima ng magkakasunod na lindol sa rehiyon.

Ang tulong na ipinamahagi ni Gamboa ay binubuo ng mga tents, samut-saring mga gamit, at pagkain.

Una nang sinabi ni Gamboa na halos 100 pulis din ang mga nabiktima sa lindol, kasabay ng pagtiyak na makakaasa ang mga ito ng tulong mula sa PNP.

Nanawagan din si Gamboa nitong Lunes sa lahat ng pulis na magdonate ng kahit tig-10 piso lang para makatulong sa ibang mga biktima ng lindol.

Hinikayat naman ni Gamboa ang mga opisyal na may mas malalaking sahod na magbigay din ng mas malaking donasyon.