-- Advertisements --

Itinutulak ng mga lider ng transport group ang dalawang pisong taas-pasahe sa mga jeepney.

Ito ay bilang tugon sa sunod-sunod na oil price hike nitong nakalipas na tatlong lingo na sinundan lamang ng kakarampot na rollback ngayong lingo.

Ayon kay Pasang Masda president Roberto Martin, muli nilang bubuhayin ang kanilang petisyon na inihain noong 2022 na humihiling ng dalawang pisong hike.

Kasama ang Liga ng Transportasyon at mga Operator sa Pilipinas (LTOP), nakatakdang makipagpulong ang dalawa kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Teofilo Guadiz upang talakayin ang kanilang kahilingan.

Ang naturang kahilingan ay para lamang sa isang provisional increase.

Sa kasalukuyan ay P13 ang minimum fare para sa mga traditional jeepney habang P15 para sa mga modern jeepney.

Ayon sa dalawang grupo, tinatayang nabawasan ng P130 ang arawang kita ng mga jeepney driver kasunod na rin ng serye ng mga oil price hike sa mula nang magsmula ang 2025.