Maglalabas na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng P20 coin bilang alternatibo sa P20 bills na ginagamit ngayon sa merkado.
Batay sa pag-aaral ng University of the Philippines (UP), ang P20 banknote ang isa sa karaniwang perang papel na ginagamit ngayon kaya mabilis din itong maluma at masira.
Sa mga ganitong pagkakataon, naoobliga ang bangko na palitan ang salapi ng panibagong pera, ngunit malaking halaga ang ginugugol dito.
“A study conducted by the University of the Philippines reveals that the 20-Piso banknote is the most-used denomination for payments across the country. Because of this, the 20-piso banknote is easily rendered unfit for circulation and returned to the BSP for replacement. As such, the issuance of a coin in lieu of a banknote is more cost efficient in terms of currency production in the long run,” saad ng pahayag mula sa BSP.
Habang ang coin ay mas matagal umanong masira o maluma, kaya nagtatagal ito sa sirkulasyon.
Ilulunsad ang P20 coin sa Disyembre 2019, ngunit sisimulan itong ilabas sa merkado sa pagpasok pa ng taong 2020.
Pangungunahan ni BSP Governor Benjamin Diokno ang release ng bagong uri ng pera.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na disenyo para sa magiging bagong P20 coin.