Ilang mga stall sa ginanap na Kadiwa ng Pangulo program kamakailan sa Bicol region ang nagbenta ng P20 kada kilo na bigas.
Sa inilabas na statement, sinabi ng Presidential Communications Office, base sa impormasyon mula sa National Irrigation Administration na ibinenta ang P20 kada kilo na bigas noong Abril 25 kasabay ng inilunsad na kadiwa ng pangulo sa Ligao city, Albay.
Kabilang sa mga prinayoridad na makatanggap P20 kada kilo na bigas ay ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino program beneficiaries, matatanda at person with special needs.
Habang ang mga regular buyers naman ay nakabili din ng murang bigas na nagkakahalaga ng P35 kada kilo.
Maliban sa bigas, ibinenta din sa abot kayang presyo ang sari-saring mga gulay, prutas, delicacies at iba pang farm products.
Ang hakbang na ito ay nagsisilbing paraan ng Irrigators Associations para masuklian ang mga biyayang kanilang natanggap mula sa pamahalan para sa mga naghihikaos sa buhay.