-- Advertisements --
image 358

Inihayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit ng maisakatuparan na maibaba sa P20 kada kilo na presyo ng bigas na isa sa kaniyang pangako noong nangangampaniya pa lamang ito bilang Pangulo.

Ginawa ng Punong ehikutibo ang naturang pahaya kasabay ng paglulunsad ng “Kadiwa ng Pangulo” sa Camarines Sur kung saan ibinibenta ang bigas sa naturang outlet sa presyong P25 kada kilo.

Inihayag din ng Pangulo na tinatrabaho na rin ng pamahalaan na maibaba ang presyo ng sibuyas na labis ang pagtaas noong mga nakalipas na buwan.

Matatandaan na nagsimulang inilunsad ng adminsitrasyong Marcos ang Kadiwa project bilang Kadiwa ng Pasko noong Christmas season subalit pinalawig pa ito bilang Kadiwa ng Pangulo para makapagbigay ng sariwa at abot-kayang mga produktong pang-agrikultura at fishery products sa mga mamimili.

Layunin nito hindi lamang para matulungan ang mga Pilipino na makabangon mula sa epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin kundi para matulungan din ang mga magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyo at mga indibidwal na kabataang magsasaka na maibenta ang kanilang mga produkto.