-- Advertisements --

Magmumula sa pondo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). (PAGCOR) ang P20 million cash incentives na ibibigay ng gobyerno para kay double Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Sa budget deliberation ng House Committee on Appropriations sa panukalang 2025 national budget, sinabi ni PAGCOR chairman Al Tengco na base ito sa itinatakda ng National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

Paliwanag ni Tengco na base sa batas ay P10-milyong piso ang reward sa kada olympic gold medal at 50 percent nito ang para sa coach at trainer ng atleta.

Sinabi din ni Tengco na nasa kabuuang tig-limang milyong piso naman ang matatanggap ng coach at personal trainer ni Yulo.

Bukod sa cash incentives, ang Kamara ay magbibigay din ng P6 million reward at iba pang mga ahensiya.