-- Advertisements --

KALIBO CITY – Hinimok ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Aklan ang lokal na pamahalaan ng Malay na magpatayo ng dagdag na fire substation sa isla ng Boracay.

Ito’y kasunod ng malaking sunog na nangyari sa isla nitong Huwebes.

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Felinor Suco, hindi sapat ang isang substation at dalawang fire truck ng Boracay para matugunan ang ano mang insidente ng malaking sunog.

Iisa lang din kasi umano ang fire truck sa istasyon sa Malay.

Target ngayon ng BFP na isali sa kanilang programa na madagdagan ng pasilidad ang sikat ng tourist destination.

Bukod dito, balak din ng Provincial Fire Office na maglagay ng fire hydrants sa residential area ng isla.

Aminado ang hanay ng mga bumberong nag-rescue na nahirapan silang tuntunin ang lugar dahil makitid ang daan papunta dito.

Sa ngayon isa ang arson sa mga tinitingnan nilang anggulo ng sunog.

Aaboy sa P20-milyon ang danyos na naitalang natupok sa insidente.