-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Aminado ang pulisya na mahirap ipatigil ang pagtatanim ng marijuana sa Tacadang, Kibungan, Benguet.
Ayon kay Police Captain Marshall Valdez, hepe ng Kibungan Municipal Police Station, ito ay dahil nadiskobreng marami pang marijuana plantation sa naturang barangay.
Aniya, mayroon na silang natuklasang mga marijuana cultivators at ang ilan sa mga ito ay nakasuhan na.
Sinabi ni Valdez na aabot na sa mahigit P20 million ang halaga ng mga marijuana na binunot at sinira ng mga otoridad sa Barangay Tacadang sa unang kwarter ng kasalukuyang taon.
Tiniyak nito na magpapatuloy ang isasagawa nilang marijuana eradication sa nabanggit na lugar sa kabila ng mga hamon.