-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Aabot sa halos P20 million ang halaga ng ninakaw na bulaklak sa isang ornamental farm sa Barangay San Isidro, Koronadal City.

Kinumpirma sa Bombo Radyo Koronadal ni Gng. Hylenne Esquillo Trinidad, 24, isang business woman at anak ng may ari ng Bedrock Ornamental Plant Farm na mamahaling mga bulaklak ang ninakaw sa kanilang lugar.

Huli na umano nang namalayan ng kaniyang pamilya na nawawala na ang 10 pots na may Philodendron Variegated Billietae na aabot sa humigit kumulang P20 million na galing pa umano sa Thailand na ibenibenta nila sa kanilang online selling session.

Mabilis naman na nireview ng kanilang pamilya ang kuha ng Close Circuit Television (CCTV) at naispatan ang pagbuhat ng ‘di pa nakikilalang salarin sa mga ninakaw na mga pananim.

Lumabas naman sa imbestigasyon ng mga otoridad na inakyat ng mga suspek ang bahagi nga kanilang concrete wall na may army wire at inisa-isang ninakaw ang mga mamahaling pananim.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon nga mga kapulisan upang matukoy ang responsable sa nasabing pagnanakaw.

Magbibigay naman ng pabuya na kalahating milyon ang may-ari sa sinumang makakapagturo at makakapagpabalik ng mga ninakaw na bulaklak.