-- Advertisements --

Nasa P20 million halaga ng mga luxury cars ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port.

Ayon sa Customs, idineklara ng consignee na Blue Core Enterprises bilang mga furniture ang nasabing mga sasakyan.

Nanghinala ang mga otoridad sa x-ray kaya ng siyasating mabuti ang mga laman ng shipment ay tumambad ang mga imported na luxury vehicles.

Kinabibilangan ito ng Bentley, Porsche, Mercedez Benz at half-cut Volkswagen.

Dahil dito ay kinumpiska na ng BoC ang mga sasakyan.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act ang importer ng nasabing mga mamahaling sasakyan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa ilang mga sangkot sa nasabing pagpuslit ng mga sasakyan.