-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Maglalaan ang Department of Agriculture (DA) ng P20 million na pondo para sa City of Pines o Baguio City.

Inamin ni City Mayor Benjamin Magalong na humingi ito ng pondo kay DA Secretary Emmanuel Piñol para sa pagpapatayo ng technology based na piggery farm para sa mga nag-aalaga ng baboy sa lokalidad.

Sinabi ng alkalde na maitatayo ang piggery farm sa Nangalisan, Tuba, Benguet at ito ay may lawak na tatlong ektarya.

Tiniyak ni Magalong na nakausap na niya ang mga opisyal ng Tuba, Benguet at pumayag sila sa itatayong proyekto.

Umaasa ang alkalde na matatapos ang proyekto sa loob lamang ng apat na buwan basta’t walang mararanasang problema.

Idinagdag ni Magalong na ilalaan ang P10 million sa konstruksyon ng farm-to-market-road habang gagamitin ang natitirang P10 million sa pagpapatayo sa piggery farm.