-- Advertisements --
General Parlade

Hindi election fund at hindi rin cash, ito ngayon ang paglilinaw ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa P20 million reward para sa mahigit 800 barangay na walang nang presensiya ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Lt. Gen. Antio Parlade Jr., hindi raw militar ang pagpapatupad o magbibigay ng pondo kundi ang provincial government.

Dagdag niya, hindi ito ibibigay na cash dahil gagamitin ito sa 822 na barangay sa buong bansa na mayroong problema sa mga patubig, farm-to-market roads.

Aniya, mula sa naturang bilang, nasa 1,600 munang barangay ang kanilang uunahin at nag-request na sila ng pondo para rito.

Paliwanag ng heneral, inuna raw nila ang naturang mga barangay dahil karamihan sa mga ito ay napag-iwanan na at nasa liblib pang lugar.

Una rito, sinabi ni Security Adviser Hermogenes Esperon na maliban sa farm-to-market roads, ang P20 million ay puwede ring gamitin sa pagpapatayo ng mga silid aralan, elektrisidad, health stations, water system at irigasyon.

Kahapon nang pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng P20 million na halaga ng mga proyekto sa Cagayan de Oro City.