-- Advertisements --

CEBU CITY – Aabot sa mahigit P20 million ang halaga ng shabu ang nakumpiska ng Drug Enforcement Unit (DEU) sa isinigawang magkahiwalay na anti-drug operation sa pagsalubong ng bagong taon.

Huli ang 50-anyos na tagabantay ng mga magtatapon ng basura sa kanilang lugar na kinilalang si Nicanor Cabunay na nakatira sa Sitio Capaculan, Brgy. Tisa sa lungsod ng Cebu.

Nakuha mula rito ang 2.30 kilograms ng shabu na may DDB value ng P13.6- million.

Depensa naman ng suspek, hindi sa kanya ang nasabing mga shabu kundi ibinilin lang ng kanyang pamangkin.

Sa hiwalay na operasyon, huli naman ang dalawang lalaki habang magde-deliver sana ng shabu.

Kinilala ang mga ito na sina Dexter Caballero aka Dex, 46, residente ng Brgy. Hipodromo at kasama nitong si Winston Gacasan, 18, residente ng Brgy. Sambag sa lungsod.

Tinatayang aabot sa P6.6 million na halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa dalawa.