Nasabat ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 3,028 gramo ng shabu na tinatayang nasa P20.59 milyon ang street value.
Batay sa isinagawang pagsusuri sa naturang kargamento noong Marso 25, 2024 ang subject transparent plastic vacuum pouch at self-sealing white pouch na may label na ‘whey protein ay natagpuang naglalaman ng methamphetamine hydrochloride, na karaniwang kilala bilang shabu.
Agad na inaresto ang claimant ng kargamento at ang kaukulang kasong kriminal ay isasampa para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act.
Binigyang-diin ni NAIA District Collector, Atty Yasmin O. Mapa, na ang pagkakasamsam na ito ay bahagi ng patuloy na operasyon upang higit pang patibayin ang mga border ng bansa laban sa pagpasok ng ilegal na droga.
Inulit ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio na hindi kukunsintihin ng BOC ang ganitong mga paraan ng pgapasok ng ilegal na gamot sa bansa.
Inatasan na rin nito ang lahat ng kanilang mga tauhan sa buong bansa na maging vigilante laban sa mga nasabing substances na nagtatago bilang health supplements.