-- Advertisements --
ILOILO CITY – Naniniwala si AGRI party-list Rep. Wilbert Lee na posibleng maaabot ang P20 kada kilong presyo ng bigas.
Ito ay matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na malapit na maabot ang presyong ipinangako niya sa kaniyang kampanya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lee, sinabi nito na posible ito kapag may sapat na suporta ang agriculture sector.
Kabilang dito ang pagbibigay sa kanila ng sapat na kagamitan at binhi.
Aminado rin ang mambabatas na marami pa ang dapat gawin para makamit ang pagpapababa ng presyo ng bigas.
Kabilang dito ang tamang post-harvest facilities, irrigation, pagdaragdag ng rice production, pagpapababa ng wastage hanggang logistics.