-- Advertisements --

Pinayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na huwag maniwala sa mga kumalat na balita na hindi magagamit sa susunod na taon ang P20 na perang papel.

image001

Ayon sa BSP na walang katotohanan ang nasabing lumabas na balita na mawawala na sa sirkulasyon at hindi na magagamit ang P20 na papel na pera.

Dagdag pa ng BSP,a gaya ng paglabas ng bagong pera na barya ay maaari pa rin itong magamit.

Magugunitang inilabas ng BSP ang bagong P20 na barya noong Disyembre 17, 2019.

Kanila raw paunti-unting tatanggalin ang P20 na perang papel kapag ito ay hindi na nararapat sa sirkulasyon.