-- Advertisements --

Iminungkahi ng Department of Finance (DOF) na mabigyan ng P200 na buwanang subsidy ang mga mahihirap na pamilya sa loob ng isang taon.

Dahil pa rin ito sa epekto sa kanila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa Talk to the People na iniere ngayong umaga, ibinahagi ni DOF Secretary Carlos Dominguez III ang proposal na ito kay Pangulong Rodrigo Duterte kasabay giit na dapat panatilihin pa rin ang excise tax ng mga produktong petrolyo sa kabila nang mga panawagan na ito ay suspendihin pansamantala.

Sa kanyang mungkahi, sinabi ni Dominguez na aabot sa P33.1 billion ang kakailanganin para mapondohan ang P200 subsidies kada buwan sa loob ng isang taon para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

Aminado ang kalihim na hindi sapat ang ayudang ito pero ito lamang aniya ang kayang maibibigay sa ngayon ng pamahalaan.Top