-- Advertisements --

Aabot P200 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na operasyon sa Paranaque City at lungsod ng Taguig.

Tatlong suspek ang naaaresto at isang tulak na sinasabing supplier ng Golden Triangle Syndicate.

Unang nasakote ang 33-anyos na si “Ibrahim” at nakuha sa sasakyan nitok sa Bayani Road, Waterfun, Taguig at dito nakuha ang 18 kilo o nagkakahalaga ng P122.4 milyon.

Sa isinagawang follow up ay naaresto ang dalawang suspek sa Don Bosco, Paranaque at dito nakumpiska ang 12 kilo na droga na nagkakahalaga ng P816.6 milyon.