-- Advertisements --

Naglabas ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ng P200 million na halaga ng loans para sa programang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ng Marcos administration.

Inisyu ni Pag-IBIG fund chief executive officer Marilene Acosta ang naturang halaga sa 2 pribadong contractors na nagpapatupad ng programang pabahay sa magkakahiwalay na lugar sa Luzon at Visayas.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na naglabas ang Pag-IBIG Fund ng pondo para sa pambansang pabahay. Ang una ay noong Pebrero kung saan ipinasakamay ng pag-ibig ang mahigit P350,000 para sa Palayan city Township Project.

Samantala, tiniyak ni Acosta na makakaasa ang mga proponent ng programang pabahay sa ahensiya para sa pagpondo ng kanilang housing projects sa ilalim ng mas secure at abot-kayang mga kondisyon.