Mayroong nakahandang P200 million quick response fund ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa assistance sa mga local government units na matinding tinamaan ng magnitude 7 na lindol kaninang umaga.
Kinumpirma ito ni DSWD USec. Jose Faustino na nakahandang ipamahagi ng ahensiya sakaling kailanganin ng mga LGU ng karagdagang suporta.
Kaugnay nito, ayon sa tagapagsalit ng NDRRMD na si Mark Timbal nakipag-ugnayan na rin si Executive Secretary Victor Rodriguez kay NDRRMC OIC Faustino at sa iba pang opsiyal ng ahensiya para talakayin ang earthquake operations sa lalawigan ng Abra.
Ayon pa sa NDRRMC official, walang tsunami alert na inisyu nang tumama ang lindol sa Tayum Abra kaninang umaga.
Sa inisyal na ulat mula sa NDRRMC matapos ang malakas na lindol, sa Cordillera Administrative Region , walang naitalang aftershocks bagamat tuluy-tuloy ang monitoring at assessment, nakapagtala naman ng landslide incidents sa Benguet, may mga pinsala din na iatala sa Lagangalingan, Abra at Mountain Province, nakaranas din ng signal at power interruptions sa ilang cellsites sa Benguet, nakapagtala ng casualty na isa sa La trinidad , Benguet habang wala namang pinsala sa mga dams at nagpapatuloy pa rin ang damage assessment sa pakikipag-ugnayan sa PMA.
Sa Region 1 naman nakapagtala din ng pinsala sa ilocos Sur at walang banta ng tsunami.
Sa region 2,3, 4A at 4B walang pinsalang naitala gayundin sa NCR.