-- Advertisements --

Hinarang ng Bureau of Customs at Department of Agriculture ang ilang container ng smuggled frozen Mackerel sa isang bodega ng Bureau of Customs compound sa lungsod ng Maynila.

Sa ikinasang inspeksyon ngayong araw, nadiskubre na ang nineteen (19) naglalakihang container ay naglalaman ng mga frozen Mackerel na tinataya namang nagkakahalaga ng 202 million Pesos.

Ayon sa commissioner ng Bureau of Customs na si Commissioner Bienvenido Y. Rubio, itanago umano ang tunay na nilalaman na mga produkto sa loob ng containers.

Aniya, ang deklarasyon kasi sa mga papeles ng mga ito ay nakalagay na ang nilalaman ng labing siyam na containers ay frozen fried taro sticks.

‘Na-discover po natin na merong nag-attempt… nineteen (19) forty-foot containers of frozen Mackerel but were misdeclared as frozen white taro,’ ani Commissioner Bienvenido Y. Rubio ng Bureau of Customs (BOC)

Ngunit nang buksan naman ang mga container sa isinagawang inspeksyon kanina, bumungad sa kanila na iba ito sa idenaklarang produkto at Nakita pang punong-puno ito ng mga kahun-kahong frozen Mackerel.

Base sa kanya pang mga ibinahagi, noon pang January 20 ng kasalakuyang taon nadiskubre na may kahina-hinala sa nilalaman ng mga ito.

Kaya’t matapos ang ilang imbestigasyon, ikinasa ang inspeksyon sa mga ito at inihayag naman ni Commissioner Bienvenido Rubio na natuklasang ang mga smuggled na frozen Mackerel ay galing pa sa bansang China.