Aabot sa P204 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga kapulisan sa anti-drug operation sa Pasig City.
Kasama ng PNP ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang isagawa ang operasyon sa isang condominium building sa Pasig.
Target ng operasyon si Manolito Lugo Carlos alyas Toge na naaresto sa Sorrento Oasis Residence sa C. Raymundo Avenue, Pasig City.
Itinuturing ng mga kapulisan si Carlos na isang high profile drug personality na sangkot sa organized gang na nag-o-operate sa Metro Manila, Region 3 at Calabarzon.
Sinasabi ring ang suspek ang siyang kanang kamay ng isang kilalang drug personality na kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP).
Bukod sa 30 kilos na shabu ang nakumpiska ay nakuha rin sa pag-iingat ng mga suspek ang ilang drug paraphernalia, iba’t ibang deposit slips na nakasaad ang transaksyon ng suspek.