Nagkakahalaga sa Php206.50 billion ang itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcod Jr. para sa pamamahagi ng ayuda sa mga Pilipinong kabilang sa vulnerable sector sa Pilipinas.
Ito ay sa ilalim pa rin ng 2023 proposed national budget at bahagi ng layunin ng pamahalaan na tugunan ang epekto ng pagtaas ng presyo g mga pangunahing bilihin sa bansa.
Sa isang statement ay sinabi ng Malakanyang na malaking bahagi ng naturang budget na nagkakahalaga sa Php165.40 billion ay mapupunta sa assistance program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Habang ia-allocate naman ang nasa Php22.39 billion na halaga sa Medical Assistance to Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIFIP) ng Department of Health (DOH).
Makakatanggap naman ng kabuuang Php14.9 billion na pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers program nito.
Para naman sa pamamahagi ng fuel subsidy ay makakatanggap ng Php2.5 billion ang Department of Transporation (DOTr), at isang bilyong piso naman sa Department of Agriculture (DA).
Bukod dito ay may inilaan din ang pamahalaan na Php115.6 billion para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), P25.3 billion for Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC), and P4.4 billion for the Sustainable Livelihood Program (SLP) sa ilalim pa rin ito ng 2023 National Expenditure Program.
Kung maalala, una nang sinabi ni Office of the Press Secretary Officer-in-Charge Cheloy Garafil na ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos ang tuluy-tuloy na pamamahaging tulong pinansyal sa “most vulnerable FIlipinos” matapos ang paglobo pa ng inflation rate sa Pilipinas sa 7.7 percent nitong buwan ng Oktubre.