Binatikos ng Kilusang Mayo Uno ang P20 milyong budget para sa paghahanda at pagdaraos ng ikatlong SONA ni PBBM.
Sa isang pahayag, sinabi ni KMU chairperson Elmer Labog, hindi katanggap tangap ang ganito kalaking halaga ng gastos para sa isang presidential speech.
Aniya, ang mga opisyal na ito ng gobyerno ay nagpapalunod lamang sa karangyaan habang ang mga manggagawa at mamamayan ay naghihirap at nagugutom.
Binanggit pa ng grupo na masyadong malayo ang 20 milyon sa kamakailang pagtaas ng minimum wage earners sa Metro Manila.
Naniniwala rin ito na isang malaking insulto ang P35 na pagtaas ng sahod kung gagastos ang gobyerno sa marangyang okasyon.
Nangangahulugan lamang aniya ito na dapat hayaan ng mga mamamayan ang kanilang mga daing na marinig ng mga pinunong nagtitipon para sa SONA.
Ihahatid ni Marcos ang kanyang ikatlong SONA sa Hulyo 22, kung saan mahigit 2,000 bisita ang inaasahang dadalo.