Matagumpay na nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine National Police ang mga pinatuyong bricks at dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P19.9M sa isang ikinasang checkpoint sa Barangay Calanan, Tabuk City, Kalinga .
Nakatanggap umano ang mga awtoridad ng ulat mula sa Lubuagan, Kalinga police station na mayroong sasakyang van ang nakalusot sa checkpoint ng Commission on Elections sa Barangay Dinakan, Lubuagan.
Kinilala ang naarestong suspect na driver ng van na si Benjamin Fajardo Bauto na taga Nueva Ecija.
Ayon kay Police Capt. Ruff Manganip, spokes ng Kalinga Police Provincial Office, ang suspect ay kabilang sa high- value targets list ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Nasamsam sa pag-iingat nito ang 156 na pinatuyong marijuana bricks na tumitimmbang ng tig-isang kilo.
Ito ay tinatayang nagkakahalaga ng P18.720 milyon.
Bukod dito ay nakuha rin ang 20 tubular dried marijuana leaves na may timbang na 500 grams at may street value na P1.2M .
Si Bauto ay nasa kustodiya na ngayon ng suspek pati na ang mga nakumpiskang iligal na kontrabando.
Mahaharap naman ito sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga.