-- Advertisements --
Aabot sa kabuuang P21 bilyon na halaga ng insurance claims na may kinalaman sa COVID-19 at non-life insurance claims ang naipamahagi ng insurance industry ng bansa mula sa pagsisimula ng pandemic hanggang Hunyo 2022.
Ayon kay Insurance Commission Spokesperson Alwyn Villaruel , na ang halaga ay bukod pa sa mga claims.
Sa nasabing halaga ay 19% dito o P3.89 bilyon ang inilabas noong 2020 habang 61 percent naman o nasa P12 bilyon ay ibinayad noong 2021 at 20 percent o P4.11 bilyon naman ang na-claimed sa unang bahagi ng 2022.
Karamihan sa mga claims ay isiningil laban sa life insurance companies na nasa P11.72 bilyon at health maintenance organization na nasa P7.65-B.