-- Advertisements --

Recipient ang Philippine National Police (PNP) ng mga police equipment na nagkakahalaga ng P210 million o nasa Y500,000,000 na donasyon ng Japanese government.

Mismong si Japanese Ambassador to the Philippines H.E Kji Haneda ang nag-turnover sa mga nasabing kagamitan kay PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa .

Kabilang sa mga donasyon na ibinigay ng Japanese government ay ang 100 units patrol vehicle, anim na unit ng bomb suit, anim na unit ng ballistic shield, 440 units bullet proof vest na level IIIA, at 440 units ng ballistic helmets.

Ang Japan International Cooperation System ang siyang nag-facilitate sa procurement ng 87 Montero Sports utility vehicles at 13 Nissan Urvan Patrol Cars.

Ang mga nabanggit na patrol vehicles ay ibabahagi sa pitong highly urbanized region sa buong bansa.

Tiniyak ni PNP chief PDGen Ronald Dela Rosa na kanilang titiyakin na ang mga SUV na sasakyan na donasyon sa kanila ay gagamitin sa police operations at hindi gagawing personal na sasakyan ng commander.

Mahigpit na bilin din ni PNP chief na bawal tanggalin ang mga nakalagay na PNP stickers.