-- Advertisements --

Aabot sa mahigit P210 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga kapulisan ng Las Piñas City sa isinagawa nilang drug buy bust operations.

Napatay ng mga otoridad ang target na suspek na kinilalang sina Coco Amarga at Andrew Garcia sa Brgy. Almanza.

Sinabi ni PNP chief General Debold Sinas na bumili ang mga kapulisan na nagpanggap na buyer sa mga suspek na nagkakahalaga ng P1 milyong shabu subalit nagpaputok daw ang mga suspek.

Sinas Las PInas shabu

Agad namang gumanti ng putok ang mga pulis at napatay nila ang dalawang mga suspek.

Nakuha rin sa crime scene ang dalawang caliber .45 na baril.

Hinala ng mga kapulisan, nanggaling sa Pampanga ang droga at ito ay nakatakdang ibenta sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.

Itinuturing din ng PNP na mga bagong mukha ang mga napatay na suspek dahil hindi sila kasama sa drug watchlist ng PNP.