-- Advertisements --
Zaldy Co sept 5

Pinangunahan ni House Committee on Appropriations chairman Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, Department of Public Works and Highways -Bicol Director Virgilio Eduarte, at lokal na pamahalaan ng Santo Domingo, Albay ang groundbreaking ceremony para sa bagong P210-million municipal at legislative building.

Ayon kay Mayor Joseling “Jun” Aguas , ang pagpapatayo sa gusaling ito ay opisyal na sisimulan sa katapusan ng Nobyembre o unang bahagi ng Disyembre ng taong ito.

Kung maaalala, nasunog ang lumang gusali ng kanilang munisipyo noong Nobyembre ng nakaraang tao.

Ito ang nag-udyok sa lokal na pamahalaan ng Santo Domingo na ilipat ang business office sa legislative building.

Ayon naman kay Rep. Zaldy Co ang pagsasakatuparan ng proyekto ito ay dahil sa pagtutulungan ng local government unit DPWH, Ako Bicol, at iba pang kinauukulang ahensya.

Sinabi rin ni Department of Public Works and Highways -Bicol Director Virgilio Eduarte na may inilabas na inisyal na P75 milyon habang P135 milyon pa ang kailangan para matapos ang konstruksyon.

Pinuri ni Mayor Aguas ang pagsisikap nina Rep. Co at Albay Rep. Joey Salceda upang maisakatuparan ang proyekto.

Aniya, itatayo ang bagong municipal at legislative building sa likod ng lumang municipal building na gagamiting museo ng kanilang bayan.