-- Advertisements --

Tinatayang nasa P215 billion ang magiging ambag ng Petrochemical industry sa ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.

Ito ang inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang tamulpati sa inagurasyon ng Expanded J-G Summit Petrochemicals manufacturing facility sa Batangas City.

Ayon sa Pangulo nasa kabuuang 6,2000 na direct at indirect employees ang nasabing planta na maituturing na major contributor sa industriya.

Inilarawan din ni Pangulong Marcos ang vital link sa pag-aangat ng value chain na nagtitiyak sa suplay ng kritikal na materyal sa produksiyon tulad ng plastic packaging ng mga pagkain, mga damit, applicances, mga sasakyan at electronic devices.

Pinuri din ng Pang. Marcos ang planta na nagpapamalas ng cutting edge technology, nagpapakita sa kakayanan ng mga Pilipino at nagpapatunay ng business confidence at muling pagsigla ng manufacturing sector.