-- Advertisements --

P216,000 halaga ng endangered na agar wood , nakumpiska sa Aklan

KALIBO, Aklan — Tinatayang P216,000 na halaga ng agar wood o lapnisan ang nakumpiska sa operasyon ng kapulisan na nagresulta sa pagkaaresto sa 10 suspek sa Sitio Angeles, Barangay Kinalangay Viejo, Malinao, Aklan.

Ayon kay Engr. Jurlie Zubiaga, Officer in Charge ng Provincial Environment and Natural Resources (PENR)-Aklan, ang mga suspek ay pawing mga residente ng Barangay Panipiason, Madalag.

Naaresto ang mga ito sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad.

Nakuha mula sa mga suspek ang nasa 1.35 kilos na agar wood na may tinatayang street market value na P216,000.

Sinasabing nakuha ang kahoy sa Barangay Osman, Malinao.

Ang mga suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act at Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.

Itinuturing ang agar wood sa ilalim ng Appendix 2 ng Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Flora and Fauna (CITES).

Sinabi ng DENR, ito ay may halaga at kailangang pangalagaan dahil sa kakaiba nitong amoy.

Ginagamit ito sa paggawa ng insenso, pabango, at medicinal products lalo na sa Middle East at Asia.