-- Advertisements --

Pinagtibay na ng Pilipinas at China ang panibagong loan agreement kaugnay sa bridge project sa Davao region, dalawang linggo bago lumisan sa puwesto ang Duterte administration.

Sinasabing ang Chinese government ay pumayag na sa Official Development Assistance (ODA) para sa Samal Island – Davao City Connector (SIDC) Bridge Project.

bridge 4

Sa naturang kasunduan ay kumatawan sa Government of the Republic of the Philippines (GPH) si Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III, habang sa Government of the People’s Republic of China (GPRC) ay sa pamamagitan naman ng Embassy of the People’s Republic of China ay si Ambassador Huan Xilian.

Isinapormal ng magkabilang panig ang Framework Agreement para sa provision ng concessional sa Pilipinas para sa disenyo at pagtatayo ng proyekto sa ilalim ng China Government Financing Facility.

Ang pautang ay para sa 90 percent sa kabuuang P23.039 billion price tag.

Sinasabing ang kauna-unahang renmimbi-denominated loan mula sa Beijing sa ilalim ng Duterte administration ay nagkakahalaga ng 2.34 billion renminbi o halos katumbas ng P17.39 billion.

Batay sa kasunduan ang loan ay may 2% annual interest rate at mababayaran sa loob ng 20 years kung saan may “grace period” muna na pitong taon.

Tinatayang pinaka-modern bridge ito na magkokonekta sa Samal Circumferential Road sa Barangay Limao, Island Garden City of Samal hanggang sa Davao City sa pagitan ng R. Castillo-Daang Maharlika junction.

Ang itatayong tulay ay may kabuuang 3.98 kilometers.

bridge 3

Kung sakaling matapos ang tulay, mas bibilis na ang biyahe sa Metro Davao at Samal Island at mababawasan ito ng 26 to 30 minutes na kadalasan ay Ro-Ro o kaya ferry vessels pero magiging limang minuto na lamang kapag nayari na ang tulay.

Sinasabing ang China Road at Bridge Corporation ang napili bilang contractor sa P23 billion bridge project.

Nilinaw naman ni DPWH Operations at Undersecretary and Build Build Build chief implementer Emil Sadain na ang proyekto ay magkakaroon ng groundbreaking sa July 2022, habang ang construction ay tatagal ng 60 buwan.