Aprubado na ng National Economic Development Authority (NEDA) board sa pangunguna ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang TPLEX (Tarlac, Pangasinan, La Union, Expressway) extension project.
Ito ay ang dagdag na 59.4 km na highway mula Rosario Pangasinan hanggang Ilocos Norte.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan na plano nilang makumpleto ang proyektong ito sa loob ng termino ni Pangulong Marcos Jr.
“The Marcos administration remains steadfast in its dedication to pursuing projects that are in line with its 8-Point Socioeconomic Agenda and with the strategies identified in the Philippine Development Plan 2023-2028,” pahayag ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan.
Nasa P23.4 bilyong pisong halaga ng pondo ang inilaan ng gobyerno para sa nasabing extension project, na inaasahang makapagpapabuti ng access ng publiko at ng economic activities mula La Union hanggang Ilocos Norte.
Ayon kay Sec. Balisacan, sa ngayon nasa kabuuang 194 projects na nakalinya sa ilalim ng administrasyong Marcos, kung saan 68 rito ay ongoing ang pagpapagawa, 9 naman ang naghihintay ng pag apruba ng NEDA board.
“We commit to implement initiatives that will promote inclusive growth, induce high quality job creation, and greatly improve living standards for all Filipinos,” ayon kay Balisacan.
Sinabi ng kalihim na inaasahan niyang ilan sa siyam na proyektong ito ay maaprubahan ng chief executive bago ang SONA sa July 24,2023.
Inihayag ni Balisacan na bago ang ikalawang SONA ng pangulo, nakatakda ang isa pang board meeting para malaman ang kung ano pang mga proyekto ang aprubahan.
Paliwanag pa ni Balisacan, mayroon silang ginawang dashboard kung saan makikita ang performance ng mga ahensiya ng gobyerno sa mga nakalinyang mga proyekto.
“To recall, these high-impact infrastructure projects are designed to address the nation’s infrastructure deficit to revive driving sustainable economic growth across priority sectors of our economy. In total, IFPs have an estimated cost of P8.3 trillion,” dagdag pa ni Balisacan.