-- Advertisements --

FB IMG 1639458304291

Agad iti-turn over sa Philippine Coconut Authority ang mga nasabat ng Bureau of Customs (BoC)-Port of Cebu na mature coconuts o niyog na nagkakahalaga ng P232 million.

Ang mga niyog na nakasilid sa 42 containers na nasabat sa Cebu ay isa sa mga banned export products ng bansa.

Nakatakdang ipadala sa China ang mga niyog at mayroong export declaration na paper waste.

Nasabat ang kontrabando sa pamamagitan ng derogatory information na natanggap ng BoC kaya agad silang nagsagawa ng spot check at dito na tumambad ang mga niyog na ipapadala sa ibayong dagat.

Agad namang naghain si District Collector Charlito Martin R. Mendoza ng Warrants of Seizure and Detention laban sa export shipments dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Resolution of the Inter-Agency Committee on Executive Order No. 1016 na may petsang June 19 1992 at nakasaad ditong ang mga mature coconuts ay produktong ipinagbabawal na i-export.