-- Advertisements --
image 494

Tiniyak ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI)na kanilang pag-iibayuhin ang pag-follow up sa mga investment pledges ng bansa para masiguro umanong maipatupad agad ang mga ito.

Kasunod na rin ito ng naging pahayag ni Department of Trade and Industry (DTI) ni Secretary Alfredo Pascual na nasa $D4.349 billion o katumbas ng P239 billion na halaga na ng investment projects sa ilalim ng Marcos administration ang nasa implementation stage.

Una rito, sinabi ni Pascual na mahigpit daw ang direktiba sa kanyang ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na dapat ay masigurong maipatutupad ng maayos ang mga investment pledges at kailangan itong regular na mai-follow up.

Sa naturang halaga ng investment projects, Nasa $29.712 billion o P1.7 trillion ay nasa form ng Memoranda of Understanding (MOU) at Letters of Intent (LOI).

Ang $28.863 billion naman o P1.5 trillion na halaga ng investment projects ay nasa planning stages.

Una rito, inanunsiyo ni Pangulong Marcos na sa ilalim ng kanyang administrasyon, nakapag-secure na raw ito ng tinatayang nasa $62.926 billion o P3.48 trillion na investment mula sa kanyang mga biyahe sa China, Japan, Indonesia, Thailand, Singapore, United States at Belgium.

Siniguto rin ni Pascual na sa ilalim ng Marcos administration ay pinapaganda pa nila ang kanilang efforts para sa mas madaling pagtatayo o pag-renew ng mga negosyo sa Pilipinas.

Isa na raw dito ang enabling environment at kailangang magawa ng mabilis ang pagkuha ng permit at pagkuha ng mga lisensiya.

Paliwanag niya, kapag na-delay daw kasi ang mga ito ay posibleng madismaya ang mga investor kayat kailangan ng maayos na pamamalakad para mapabilis ang pagkula ng mga permits at lisensiya.

Mula noong Pebrero 9, inaprubahan na ng DTI-Board of Investments (BOI) ang P414.3 billion na halaga ng investment projects sa bansa.

Una rito, sinabi ng Pangulong Marcos na mararamdaman na rin sa lalong madaling panahon ng mga ordinaryong Pilipino ang epekto ng economic growth matapos nitong i-welcome ang hakbang ng Department of Trade and Industry (DTI) na aprubahan ang P414 billion sa unang 40 araw ng 2023.

Ang naturang halaga ay katumbas ng mahigit sa 40 percent ng P1 trillion investment target para ngayong taon.

Kung maalala, binago ni Pascual na siyang chair ng Board of Investment ang investment approval targets mula P1 trillion ay ginawang P1.5 trillion para ngayong taon.

Noong Huwebes, nag-isyu ang Pangulong Marcos ng executive order na nagtatatagĀ sa “green lane” para sa strategic investments sa government offices para makaakit pa ng mas maraming foreign investments.