-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 08 06 57 29

Nangako ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maging prayoridad nito ang pangangalaga sa kapaligiran at pangangalaga sa likas na yaman sa susunod na anim na taon.

Nais ng kagawaran ang P23.041 bilyon na badyet para sa 2023.

Sinabi ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga na susuportahan nito ang mga direksyon at prayoridad ng ahensya tungo sa matatag at napapanatiling pag-unlad.

Isa pang pinagtutuunan ng pansin ng DENR ay ang pagpapatibay ng “climate risk lens” sa national planning at mga polisiya kung saan inaasahang magtatatag ng National Natural Resource Geospatial Database.

Idinagdag niya na ang konserbasyon ng mga protektadong lugar at biodiversity ay hahabulin din sa pamamagitan ng konserbasyon ng 248 protected areas, management ng 00 inland wetlands, at protection ng 64 classified caves para sa biodiversity conservation.

Kasama rin dito ang pamamahala ng 33 marine protected areas na naglalayong suportahan ang fish productivity at biodiversity-friendly livelihood enterprises para sa mga coastal communities.