Inanunsiyo ng Asian Development Bank (ADB) na inaprubahan na nila ang $500 million (P24.9 billion) loan bilang suporta sa programa ng Pilipinas lalo na sa conditional cash transfer program.
Sinasabing naniniwala ang ADB sa kagalingan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o kaya 4Ps na malaki ang tulong sa mga mahihirap na mga kababayan at mga batang mga nag-aaral na mapanatili ang kalusugan.
Tinatayang aabot sa 1.5 million ang nakikinabang sa tulong na nasa ilalim ng 4Ps.
Para naman sa ADB ang pag-apruba nila sa pautang ay naglalayong mapalawak pa ang programa at ang ibibigay nilang suporta.
Samantala kinumpirma rin naman ng pamahalaan ng Canada na magbibigay sila ng assistance sa halagang P44.5 million upang palakasin pa ang kampanya laban sa coronavirus.
Ayon sa Embassy of Canada kabilang sa kanilang donasyon ay aabot sa 120,000 piraso ng N95 masks na may katumbas ang halaga sa P29.5 million.