Bacolod City — Tinatayang nasa P24 million ang halaga ng nakumpiskang hinihinalang iligal na droga sa mga suspetsado sa isinagawang drug buybust operation sa Phase 4, Purok Dapiles, Barangay Handumanan, Bacolod City.
Sa interview nang Bombo Radyo Bacolod kay Police Lt. Thurslie Castillo, pinuno nang Regional Drug Enforcement Unit (RDEU); ipinahayag nito na mahigit sa isang buwan na surveillance ang isinagawa bago nahuli ang suspetsado.
Bago paman pinasok ang sinasabing bodega nang mga shabu, nabilhan nang mga operatiba si Richard Luñares, sa palayaw na Pirot; nang tinatayang P14,000 na buybust money at tuluyan na ngang nakapasok ang mga operitiba nang hinikayat eto na bibili pa nang mas madami.
Narecover ng mga otoridad ang bulto nang shabu na nakalagay sa isang malaking bag at nakahanda na para ipamahagi.
Ipinahayag din ni Castillo na ang babaeng kinilala kay Carline Lunares, isang High Value Individual (HVI) at kabilang sa Top Priority List ng mga otoridad ang subject sa nasabing operasyon at eto rin ang sinasabing bantay nang nasabing bodega.
Kinilala naman ang dalawang iba pang suspek na sina Nestor Briniosa na sinasabing nadawit sa operasyon at si Richard Lunares na tinaguriang runner ng iligal na droga.
Nakuha mula sa mga suspect ang isang transparent plastic sachet nang suspected shabu na buybust item, 40 na iba pang heat sealed transparet plastic sachet nang suspected shabu at anim na knot tied transparet plastic sachet nang suspected shabu.
Ipinahayag din na may nangyaring kaguluhan kaya hindi na natuloy ang iba pang transaksyon.
Ayun kay Castillo, wala namang recorded na kaso ang target na si Carline Luñares ngunit ang runner nito na si Richard ang napag-alamang mayroon nang kaso patungkol sa iligal na droga.
Ipinahayag din nito na nagmula sa Muntinlupa ang supply nang pinaghihinalaang shabu.
Inaamin naman nang Team Leader na nahirapan ang grupo dahil wala etong contact sa Barangay at sa bagong hepe nang Bacolod City Police Station 10.
Sa ngayon, nakakulong ang mga suspek sa Bacolod City Police Station 10 at nakatakdang sasampahan ng kaso sa paglabag sa section 5 at 11 ng RA 9165 o Dangerous Comprehensive Drugs Act of 2002.