Gagamitin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P245 billion na pondo ngayong 2024 para sa digital innovations at existing programs and services, kabilang ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Sa isang pahayag, sinabi ng DSWD na nakatuon ang ahensya sa pagbibigay nang mas matibay na serbisyong panlipunan na makaaangkop sa pabago-bago na socio-economic landscape.
Kasama ng DSWD ang 4Ps—na naglalaan ng cash grant para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino—na isa rin sa mga prayoridad ngayong taon.
Magugunitang noong nakaraang taon, nasuspinde ang pagkakaloob sa 700,000 kabahayan ng 4Ps.
Gayunpaman, noong nakaraang buwan, sinabi ni House Committee on Poverty Alleviation Chairperson Michael Romero ng 1-Pacman party-list, na napag-alaman ng DSWD na qualified pa rin ang mga sambahayan sa ilalim ng programa na 4Ps, kaya naman nagpapatuloy ang pagbibigay cash benefits sa kanila.