LA UNION – Habang papalapit ang holiday season o kapaskuhan, nakatakdang magsagawa ng inspeksiyon sa iba’t ibang pamilihan ng mga christmas lights at christmas decors, ang enforcement team ng Department of Trade and Industry (DTI) La Union.
Sinabi ni Chief Trade and Industry Development Specialist Marissa Nonesa, importante ang kanilang isasagawang pagbisita at inspeksiyon sa mga establisimento sa buong lalawigan, upang masigurong ligtas ang mga produkto na bibilhin ng mga konsyumer at hindi malagay sa peligro ang buhay, na dala ng mga substandard na christmas lights at christmas decor.
Ang mga produkto ay kinakailangan na may PS Mark o ICC sticker, para masiguro na dumaan sa safety evaluation.
Maliban dito, mahalaga din na masiguro na authentic at hindi peke ang mga inilalagay na marka at sticker.
Ang mga produktong hindi dumaan sa quality standards at posibleng makaapekto sa kalusugan dahil sa mga nakalalasong kemikal o magdudulot ng kapahamakan sa buhay gaya ng sunog.
Iginiit ni Nonesa na ang mga negosyanteng mapapatunayang nagbebenta ng mga substandard na chrisrmas lights/decors ay papatawan ng multang di bababa sa P25,000.