Ibinunyag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na umabot na sa P250 billion pondo ng PhilHealth ay napunta sa katiwalian.
Ayon kay Lacson, may mga natanggap siyang impormasyon at mga dokumento na paulit-ulit ang korapsyon sa nasabing tanggapan.
Kabilang sa modus operandi ang sabwatan ng ilang opisyal ng PhilHealth at mga may-ari ng hospital.
Sinasabing may nagpapa-extend ng confinement ng pasyente kahit ang totoo ay nakalabas na ng hospital ang nagpagamot, tulad ng Perpetual Soccor Hospital sa Cebu City.
Dahil dito nagsagawa ng imbestigasyon ang PhilHealth, kung saan sinuspinde ang pagamutan ng tatlong buwan.
Pero ayon kay Lacson, nagdududa ito dahil nang muling umapela ang pagamutan sa ahensya ay binaligtad ang mismong desisyon dahil sa “humanitarian reasons.”
Dahil dito nais na imbestigahan ni Lacson sa 18th Congress ang paulit-ulit na katiwalian sa nasabing ahensya.