CENTRAL MINDANAO-Aprubado ng Provincial Development Council sa pangunguna ni Governor Nancy Catamco, ang Annual Investment Program para sa taong 2021 na may kabuo-ang proposed budget na P26,646,375,305.16.
Dahil sa nakaraang kalamidad, gaya ng lindol, baha, African Swine Fever (ASF) lalong-lalo na ang kasalukuyang dinadanas na pandemya, nasa prayoridad ng Probinsiya sa ang Economic services na may proposed budget na mahigit P20 Bilyon.
Ito’y ilalaan para sa DRRM Services, Agricultural Services, Veterinary Services, Engineering Services, Road Network Development/Social Infrastructure, Cooperative Services.
Prayoridad din ang Social services na may pundong mahigit P3.4 Bilyon para sa Food Security Program, Health Services, Curative Health Services Improvement Program, Social Welfare and Services, Human Resource Development Services, Infrastructure support to ELCAC identified Barangay beneficiaries.
Sa pambungad na pananalita ng Gobernador, sinabi nito na ang hamon na kinakaraharap ng Probinsya ngayon ay kung paano tayo babangon sa ekonomiya, dahil hindi lamang ang pagkalat ng virus ang tinitingnan natin, kundi yung mga nagugutom dahil marami ang nawalan ng trabaho.
Nasa pagpupulong sina si Congressman Pingping Tejada, BM Sherlyn Macasarte, BM Sarah Joy Semblante, Mayor Russel Abonado, Mayor Pip Limbungan, Mayor Jesus Alisasis, Mayor Romeo Araña, Mayor Vicente Sorupia, Mayor Jonathan Mahimpit, Vice Mayor Cris Cadungon, PDRRM Head Mercy Forunda, PPDO Head Cynthia Ortega at OPVet Head Dr. Rufino Sorupia.