Kinumpirma ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na napanatili sa 2025 national budget ang pondo para sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Dahil dito nagpasalamat si Romualdez sa mga senador dahil sa kanilang suporta sa AKAP.
Pinuri din nito si Committee on Appropriations chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co dahil matagumpay nitong naidepensa ang panukalang pambansang pondo.
Ikinalugod din ni Speaker sa pagbabalik ng pondo ng AKAP kaya tuloy-tuloy ang programa para sa mga mahihirap.
Giit pa ni Speaker Romualdez hangarin ng lahat na tulungan ang ating mga kababayan sa kahirapan na dulot ng inflation at mataas na bilihin.
Ayon kay Rep. Co nasa kabuuang P26 billion pondo para sa AKAP ang inilaan sa 2025 national budget.
Samantala, nakahanda ang kamara na magbahagi ng pondo ng AKAP sa mga senador.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, nakahanda naman silang magsagawa ng arrangements sa mga senador hinggil sa AKAP funds lalo na ngayon na suportado ito ng mga senador.
“Well, we can have arrangements now with the Senate po, we’re looking forward to that. We were supported by the Senate, so maraming salamat sa ating [mga senators]. Ito’y isang mahalagang programa para sa mga Pilipinong may trabaho ngunit hindi sapat ang kita. Tiniyak ng ating House panel na mananatili ang AKAP sa 2025 budget para tulungan ang ating mga kababayan,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Paliwanag pa ni Speaker Romualdez na ang AKAP ay isang anti-inflation measure na layong pigilan ang mga near-poor families na bumalik sa kahirapan dahil sa mga di-inaasahang pangyayari tulad ng sakit, pagkamatay, o kalamidad at pinapakita nito ang pagpa-pahalaga ng Kongreso sa AKAP bilang lifeline ng maraming Pilipino.